|
||||||||
|
||
Bibisita sa Tsina sa huling dako ng kasalukuyang Abril si Punong Ministro Mahathir Bin Mohamad ng Malaysia, at dadalo sa Ika-2 Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation na gaganapin sa Beijing. Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag niya ang pananalig na pasusulungin ng "Belt and Road" Initiative ang pagpapalagayang pangkalakalan sa pagitan ng Timog Silangang Asya at Tsina. Inaasahan aniya ng Malaysia na ito'y magiging tulay na pangkalakalan sa inisyatibang nabanggit.
Ani Mahathir, layon ng kanyang gagawing biyahe sa Tsina na patuloy na palakasin ang relasyong Malay-Sino.
Ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Malaysia at Tsina. Ipinahayag ng Malaysian Prime Minister na nitong 45 taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng relasyong Malay-Sino. Nakikinabang nang malaki ang Malaysia sa mainam na relasyon sa Tsina at pag-unlad ng Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |