Mula darating na Huwebes hanggang Sabado, ika-25 hanggang ika-27 ng Abril, idaraos sa Beijing ang Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF). Kumpirmadong dadalo sa isang roundtable summit ng porum ang mga lider ng 37 bansang dayuhan, at kabilang dito ay mga lider ng lahat ng 10 kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Nitong halos 6 na taong nakalipas sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative (BRI), natamo na ng Tsina at mga bansang ASEAN ang maraming bunga sa mga aspekto ng kooperasyon na gaya ng kalakalan, pamumuhunan, turismo, konstruksyon ng imprastruktura, at iba pa. Ang pagdalo ng mga lider ng lahat ng mga bansang ASEAN sa kasalukuyang BRF ay nagpapakita ng ibayo pang pag-unlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN, at pagkatig ng mga bansang ASEAN sa BRI.
Matatandaang sa unang BRF noong 2017, dumalo sa porum ang mga lider ng 7 bansang ASEAN na gaya ng Pilipinas, Indonesya, Laos, Biyetnam, Kambodya, Malaysia, at Myanmar. Ipinadala naman ng Thailand, Brunei, at Singapore ang mga mataas na opisyal sa porum.
Salin: Liu Kai