|
||||||||
|
||
Nagtagpo ngayong araw sa Great Hall of the People, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Christine Lagarde, Tagapangulo ng International Monetary Fund (IMF).
Ani Xi, pinupuri ng Tsina ang aksyon ni Lagarde sa aktibong pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at IMF at pagkatig sa pandaigdigang kooperasyon ng "Belt and Road." Positibong pinahahalagahan ng Tsina ang mainam na relasyon nito sa IMF, at umaasang patuloy na pang lalalim kooperasyon ng dalawang panig, dagdag ng pangulong Tsino. Binigyan-diin ni Pangulong Xi na, sinuportahan ng Tsina ang isang malakas na IMF na mayroong lubos na yaman.
Samantala, ipinahayag ni Lagarde na ang Belt and Road Inisiative ay mahalagang pagpapakita ng namumunong papel na ginaganap ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig. Mataas na pinahahalagahan ni Lagarde ang pinamumunuang papel ng Tsina sa larangan ng pagkatig sa multilateralismo. Ani Lagarde, pinahahalagahan ng IMF ang cooperative partnership sa Tsina at nagpapasalamat siya sa pagkatig na ibinibigay ng Tsina. Nakahanda ang IMF na magkaloob ng tulong para sa magkakasamang pagtatatag ng BRI, aniya pa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |