|
||||||||
|
||
Dagdag niya, hangad ng Pilipinas na hanapin ang bagong mga oportunidad para sa pagpapaunlad ng ekonomiya at tingnan ang posibilidad ng mga bagong pamilihan para sa mga iniluluwas na produkto ng bansa, maging mga bagong pagkukunan ng dayunan puhunan. Nakikita aniya rin ng Pilipinas na may convergence ang Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina sa programang Build Build Build ng Pilipinas.
Idinagdag pa ni Sta. Romana na magkakaangkop din ang naunang dalawang inisyatiba sa ASEAN Vision for Connectivity.
Saad ng embahador, ang basehan sa paglahok ng Pilipinas sa BRI ay ang pambansang interes at batayan ng pakikipag-ugnayan ay ang prinsipyo ng convergence and synergy.
Ipinaliwanag din ni Ambassador Sta. Romana ang two-track approach ng Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa Tsina: ang hindi pagkakaunawan sa karagatan ay maaaring abutin ng mahabang panahon bago maresolba, kaya habang inaayos ito, pinagtutuunan ng mas maraming pansin ng pamahalaan ang mga aspektong hindi kaugnay sa hidwaan at sinusubukang kunin ang mas maraming bunga.
"Hindi dapat tingnan ang Tsina bilang kaaway, bagkus dapat tingnan bilang isang partner sa kaunlaran at ang mga aspetong mayroong pagkakaiba ay dapat hawakan sa pamamagitan ng diplomasya," saad pa ni Sta. Romana.
Bukas, Abril 25 gaganapin ang bilateral na pulong sa pagitan nila Pangulong Duterte at Pangulong Xi at Premier Li Keqiang.
Sa panahon ng Belt and Road Forum inaasahang lalagdaan ang limang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa na sumasaklaw sa edukasyon, kooperasyong pang-ekonomiko, drug rehabilitation at laban kontra korapsyon.
Tinataya ring aabot sa $10 billion ang halaga ng pamumuhunan at kasunduang pangkalakalan na maisasara ng mga pribadong kompanya sa mahigit 15 kasunduang may kinalaman sa pagkain, enerhiya, teknolohiya, power infrastructure at larangan ng serbisyo.
Ulat: Mac Ramos
Larawan: Wang Le
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |