|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Xi ang pag-asa ng Tsina, na pasusulungin, kasama ng iba't ibang panig, ang kooperasyong may mataas na kalidad sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI), para palalimin at pasaganain ang kooperasyon.
Iniharap din ni Xi ang tatlong mungkahi para sa pagpapasulong ng kooperasyong may mataas na kalidad ng BRI. Ang mga ito aniya ay: una, kumpletuhin ang ideya sa kooperasyon at iugnay ang BRI sa United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development at iba pang mga panlahat na ideyang pangkaunlarang kinikilala ng komunidad ng daigdig; ika-2, linawin ang mga priyoridad ng kooperasyon at palakasin ang konektibidad sa iba't ibang aspekto, para matamo ang mga bunga sa konstruksyon ng imprastruktura, pagpapalakas ng industriya, pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan; at ika-3, palakasin ang mekanismong pangkooperasyon at itatag ang pandaigdigang partnership ng interkonektibidad.
Dagdag pa ni Xi, nananalig siyang sa pamamagitan ng pagsisikap ng iba't ibang panig, mararating ang mas maraming komong palagay at matatamo ang mas maraming bunga sa aspekto ng pagpapasulong ng kooperasyong may mataas na kalidad ng BRI. Ito aniya ay magdudulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa, at magbibigay ng mas malaking ambag para sa pagbuo ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |