Sa Great Hall of People, sa pakikipagtagpo ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Prayut Chan-o-cha, Punong Ministro ng Thailand, pinarating niya ang pagbati kay Haring Vajiralongkorn ng Thailand. Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Thailand ay pangkaibigang kapitbansa, at ang relasyon ng dalawang panig ay naging mas mabuti dahil sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI). Dapat aniyang mapanatili ng dalawang bansa ang tradisyonal na pagkakaibigan, at palakasin ang pagpapalitan sa mataas na antas, para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ani Xi, kinakatigan ng Tsina ang Thailand sa pagiging tagapangulong bansa ng ASEAN sa taong ito. Nakahanda rin aniya ng Tsina, na pag-ugnayin ang magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road Initiative (BRI) at Master Plan on ASEAN Connectivity 2025 (MPAC 2025), para pasulungin ang panrehiyong pag-unlad at itatag ang komunidad ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag naman ni Prayut Chan-o-cha na mataas na pinahahalagahan ng Thailand ang bungang natamo ng Tsina sa paglaki ng kabuhayan, pagbabawas ng kahirapan, pangangalaga sa kapaligiran at iba pang larangan. Pinapurihan aniya ng Thailand ang Tsina sa lubos na pagpapahalaga nito sa inobasyon. Nitong 6 taong nakalipas sapul nang iharap ni Pangulong Xi ang BRI, natamo ang malaking bunga, at nagdulot din ito ng benepisyo sa Thailand, saad niya. Patuloy aniyang kinakatigan ng Thailand ang kooperasyon ng BRI.
Salin:Sarah