Linggo, Abril 28, 2019, binuksan ang International Horticultural Exhibition 2019 Beijing. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas at nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Kalahok sa seremonya ang halos 900 panauhin na kinabibilangan ng mga lider at espesyal na sugo ng 11 bansa, mga namamahalang tauhan ng mga kaukulang organisasyong pandaigdig, mga kasali sa ekspo, mga personahe ng sirkulong industriyal at komersyal ng daigdig, at mga kilalang dalubhasang horticultural.
Ang tema ng kasalukuyang ekspo ay "Luntiang Pamumuhay, Magandang Bayan." 110 bansa't organisasyong pandaigdig, at mahigit 120 di-opisyal na kasali mula sa 31 lalawigan, munisipalidad, at rehiyong Awtonomo ng Tsina, Hong Kong, Macao at Taiwan ang lumalahok sa 162-araw na pagtatanghal.
Napag-alaman, bukod sa makukulay na pagtatanghal ng mga bulaklak, halaman at paghahardin, itataguyod ng ekspong ito ang mahigit 2,500 iba't ibang uri ng aktibidad na kultural. Susubukan din dito ng mga turista mula sa iba't ibang sulok ng mundo ang progreso ng siyensiya't teknolohiya at maginhawang paraan ng pamumuhay na dulot nito.
Salin: Vera