Nakipagtagpo ngayong araw, Lunes, ika-29 ng Abril 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.
Sinabi ni Xi, na sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore sa susunod na taon, kahaharapin ng relasyon ng dalawang bansa ang bagong pagkakataong pangkaunlaran. Umaasa aniya siyang, palalalimin ng dalawang bansa ang pagtitiwalaang pulitikal at integrasyon ng interes, igagalang ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang nukleong interes, at isasakatuparan ang komong pag-unlad. Pinapurihan ni Xi ang kasalukuyang mabungang kooperasyon ng Tsina at Singapore sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at umaasa rin aniya siyang palalakasin ng dalawang bansa ang kooperasyong ito bilang halimbawa sa ibang bansa.
Sinabi naman ni Lee, na ang BRI ay nagbibigay ng benepisyo hindi lamang sa Tsina, kundi rin sa daigdig. Aniya, mula simula pa'y kumakatig at lumalahok ang Singapore sa kooperasyon ng BRI, at nakahanda itong patuloy na palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa ilalim ng inisyatibang ito.
Salin: Liu Kai