|
||||||||
|
||
Binuksan nitong Linggo, Abril 28, 2019 ang International Horticultural Exhibition 2019 Beijing na may temang "Luntiang Pamumuhay, Magandang Bayan." Sa seremonya ng pagbubukas, batay sa kasaysayan at praktis ng silibisasyong ekolohikal ng bansa, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't-ibang bansa na magkakasamang itayo ang magandang lupang tinubuan sa daigdig at itatag ang Community of Shared Future for Mankind.
Maagang isinagawa ng Tsina ang pag-isip sa modelo ng pag-unlad ng kabuhayan at pinasimulan ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal. Noong taong 2012, sa kauna-unahang pagkakataon, nailakip ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa pangkalahatang plano ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ang konstruksyon ng silibisasyong ekolohikal. Sa mula't mula pa'y itinataguyod ni Pangulong Xi ang ideya ng sibilisasyong ekolohikal na "lucid waters and lush mountains are invaluable assets" na nakakuha ng malawakang suporta ng mga mamamayan. Noong isang taon, sinulat ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal sa constitutional amendment ng Tsina.
Nitong ilang taong nakalipas, pumasok sa yugto ng mabilis na pag-unlad ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng Tsina. Ayon sa satellite data na isinapubliko ng National Aeronautics and Space Administration (NASA), kung ihahambing noong 20 taong nakararaan, nagiging mas luntian ang daigdig, at isang pangunahing dahilan ay ang isinasagawang aksyon ng Tsina sa kagubatan.
Bagama't ipinalalagay ng ibang tao na wala ibang pagpipilian kundi isakripisyo ang kapaligiran upang mapaunlad ang kabuhayan, sa opinyon ng parami nang paraming Tsino, dapat hanapin ang isang modelong puwedeng magpanatili sa pagkabalanse ng kaunlaran at proteksyon ng kapaligiran. Sa aspektong ito, ang Tsina ay hindi lamang beneficiary, kundi tagapagpraktis din.
Tulad ng sinabi ni Pangulong Xi, "ang pagkakaroon ng magandang bansa ay komong hangarin ng buong sangkatauhan. Sa harap ng hamon mula sa kapaligirang ekolohikal, walang bansang maaaring makapangalaga sa sarili." Ang pagharap sa pagbabago ng klima ay komong responsibilidad at obligasyon ng iba't-ibang bansa sa daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |