|
||||||||
|
||
Idinaos nitong Huwebes, Mayo 2, sa Nadi, Fiji ang Ika-22 Pulong ng mga Ministrong Pinansyal at Gobernador ng Bangko Sentral sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, Hapon, at Timog Korea o (10+3). Ipinagdiinan ng mga kalahok na opisyal ang pangangailangan ng magkakasamang pakikibaka laban sa proteksyonismo at magkakasamang pagsisikap para sa paglago ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.
Sa isang pahayag na ipinalabas ng pulong, nagkasundo rin ang mga mataas na opisyal na pabilisin ang mga aktibidad na pangkalakalan at pampamumuhunan ng iba't ibang bansa sa rehiyon, pasulungin ang kasiglahan ng capital market ng sariling bansa, at ipauna ang mga patakarang makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyon tungo sa bagong yugto.
Ang pulong ay idinaos sa sidelines ng Ika-52 Taunang Pulong ng Asian Development Bank (ADB). Sumang-ayon ang mga opisyal ng 10+3 na idaraos sa 2020 ang susunod na pulong sa Incheon, Timog Korea.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |