Dumating nitong Huwebes, Mayo 9, local time, sa Washington D.C., ang delegasyong Tsino para sa Ika-11 Round ng Talastasang Pangkalakalan ng Tsina't Amerika.
Sinabi ni Liu He, Pangalawang Premyer at punong negosyador ng Tsina na dumating ang delegasyong Tsino nang may sinseridad. Umaasa aniya ang Tsina na sa ilalim ng espesyal na situwasyon, magiging makatwiran at matapat ang pagpapapalitan ng kuru-kuro sa panig Amerikano. Ipinalalagay ng panig Tsino na sa kasalukuyang kalagayan, ang pagpapataw ng karagdagang buwis ay hindi kalutasan, at makakapinsala ito sa Tsina, sa Amerika, at buong daigdig, dagdag pa ni Liu. Lipos din si Liu ng tiwala na malulutas ang pagkakaiba ng dalawang panig sa gaganaping talastasan.
Salin: Jade
Pulido: Mac