|
||||||||
|
||
Ayon sa proklamasyong inilabas sa opisyal na website ng Thailand, nagbitiw sa tungkulin kamakailan ang 15 miyembro ng gabinete ng bansang ito.
Nauna rito, nagbitiw na noong Enero ng kasalukuyang taon ang apat na ministro dahil sila'y nakilahok sa pagbuo ng People's Power Party para sa pambansang halalan.
Ayon sa mediang Thai, makaraang magbitiw ang nasabing 15 miyembro ng gabinete, 17 na lamang ang nalalabi sa gabinete ni Prayuth Chan-ocha. Ang 15 nagbitiw sa tungkulin ay manunungkulan bilang mambabatas ng Mataas na Kapulungan ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |