|
||||||||
|
||
Binuksan dito sa Beijing ngayong araw ang Conference On Dialogue Of Asian Civilizations (CDAC). Dahil sa pagpapalitan, nagiging mas makulay at masagana ang sibilisasyon. Sa pamamagitan ng diyalogo, maaaring matuklasan ng sangkatauhan ang isa't isa.
Pananampalataya, isang uri ng diyalogo
Ang pananampalataya, ay diyalogo ng tao at kalooban
Ang pananampalataya, ay diyalogo ng puso at daigdig
Ang pananampalataya, ay diyalogo ng sibilisasyon at isa pang sibilisayon
Pag-unlad, isang uri ng diyalogo
Ang lungsod ay hindi lamang simpleng koleksyon ng mga gusali
Ang bawat pag-unlad ng sangkatauhan
ay isang malaking hakbang ng buong sibilisasyon
Ang pag-unlad ay pag-uusap ng sibilisasyon at oras
Sining, isang uri ng diyalogo
Ang saya, ang lungkot
Ang postura, ang sulyap
Ang sining ng sayaw, ay diyalogo na hindi kailangan ang wika
Kompetisyon, isang uri ng diyalogo
Sa likod ng kapangyarihan, may kasanayan
Ang pundasyon ng kasanayan, ay pagsisikap
Ang kompetisyon, ay diyalogo ng karunungan.
Pagpapamana, isang uri ng diyalogo
Kailangan ang pagpapamana, ng bawat sibilisasyon
Bawat pagpapamana, ay muling pagsilang
Ang pagpapamana, ay diyalogo ng pamana at inobasyon
Lansangan, isang uri ng diyalogo
Ang lansangan, ay maaaring i-ugnay ang mga espasyo
Ang lansangan, ay maaaring ilapit ang mga puso.
Ang lansangan, ay isang uring diyalogo.
Paglipad, isang uri ng diyalogo
May pangarap na lumipad ang bawat nasyon
Sa tulong ng isang makulay na tali, lumipad sa kalangitan ang sibilisasyon
Ang paglipad, ay diyalogo ng sangkatauhan at pangarap
Pagkain, isang uri ng diyalogo
Ang pagkain, ay pinakamatamis na bunga ng sibilisasyon
Dahil sa pagkain, dama ang sibilisasyon
Ang pagkain, ay diyalogo ng tao sa isa pang tao at buong kalikasan
Alamat,isang uri ng diyalogo
Ikinalulugod ng dios ang simula ng isang lahi
At sinasalamin ito sa mukha ng kultura
Ang mga alamat ay diyalogo ng mga tao at kanilang ninuno
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |