Isang bahagi ng video mula sa prime-time news ng CCTV noong gabi ng ika-13 ng Mayo ang nagiging mainit ngayon sa social media. Ang video ay nagpapakita ng kompiyansa ng Tsina sa kasalukuyang alitang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at Amerika.
Sa nasabing bahagi ng video, sinabi ni Kang Hui, host ng CCTV News na, "Maliwanag ang pakikitungo ng Tsina tungkol sa alitang pangkalakalang inilunsad ng Amerika. Ayaw makipagaway ng Tsina, ngunit hindi ito uurong sa laban, at aktibo nitong kakaharapin ang laban kung kailangan. Sa harap ng "stick and carrot policy" ng Amerika, ito ang tugon ng Tsina: kung pipiliin ng Amerika ang talastasan, bubuksan ang pinto, pero, kung hindi, labanan ang Tsina hanggang sa katapusan. May ng mahigit 5,000 taong kasaysayan ang Tsina, dinanas na ng bansa ang maraming kahirapan, at tiyak na mayroon itong kakayahang kaharapin ang mga hadlang sa proseso ng pambansang rehabilitasyon. Ang trade war na inilunsad ng Amerika ay isang pahina lang sa landas ng pagpapaunlad ng Tsina, at ito ay hindi malaking pangyayari. May kompiyansa ang Tsina na hawakan ang krisis at itrato ito bilang pagkakataon.
Salin:Lele