|
||||||||
|
||
Si Ren Zhengfei
Sa kanyang panayam, Mayo 21, 2019 sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Ren Zhengfei, Tagapagtatag ng Huawei Technologies Co, LTD, na ang edukasyon ay pundamental na isyu ng kalakalang Sino-Amerikano. Kaya dapat aniyang ibigay ang mas maraming pansin sa elementaryang edukasyon at bokasyonal na edukasyon.
Ipinahayag ni Ren na ang "hardware" na tulad ng daan-bakal at pasilidad ng komunikasyon, ay pundasyon ng puwersa ng isang bansa. Pero, walang kaluluwa ang "hardware." Ang kaluluwa ay nasa kultura at edukasyon,dagdag niya.
Sa usapin ng 5G technology, ipinahayag ni Ren na hindi liliataw ang dalawang pamantayan para sa 5G technology sa hinaharap. Nagkaka-isa sa paninindigang isa lamang dapat ang pamantayan na naglalayong ipagkaloob ang unipikadong "global society service"sa buong daigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |