|
||||||||
|
||
Sa kanyang panayam sa media ng Tsina, Mayo 22, 2019, ipinahayag ni Jeffrey Sachs, Iskolar ng Amerika, na ang kasalukuyang target ng pamahalaan ni Donald Trump ay pigilan ang pag-unlad ng Tsina. Ito aniya ay magdudulot ng malungkot na konsekuwensiya sa Amerika at buong daigdig.
Ipinahayag ni Sachs na ang Tsina ay isang umuunlad na bansa, at hindi gumagawa ng anumang di-normal na bagay. Sabi niya,ayon sa teorya, practice at patakaran ng kalakalan, hindi maaaring basta na lamang itigil ang negosyo, at dapat ibahagi ang kapakanan ng paglaki ng kabuhayan.
Dagdag ni Sachs, ang alitan ng Tsina at Amerika ay magdudulot ng kapinsalaan sa iba't ibang panig, at sa alitang tulad nito, walang panalo. Ang korupsyon sa pulitika ng Amerika ay pundamental na dahilan ng naturang isyu.
Ayon kay Sachs, ang trade war sa Tsina ay hindi kalutasan sa pangkabuhayang problema ng Amerika. Pero, sa pamamagitan ng kooperasyon, maaaring makuha ng Amerika ang mas maraming benepisyo. Makukuha rin ng kapuwa Tsina at Amerika ang kapayapaan, para lutasin ang maraming mahalagang hamon na kinakaharap ng buong sangkatauhan, ani Sachs.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |