Mula ika-19 hanggang ika-26 ng Mayo, idinaraos ang Ika-19 na National Science and Technology Week ng Tsina. Ang tema ng kasalukuyang aktibidad ay "pagtatatag ng isang malakas na bansang pansiyensiya't panteknolohiya, pagpapalaganap ng mga kaalamang pansiyensiya't panteknolohiya para makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan."
Sa pangunahing lugar ng aktibidad sa Beijing, itinatanghal ang 410 pinakamodernong bunga ng inobasyon sa siyensiya't teknolohiya ng Tsina, sa mga aspektong gaya ng kalawakan, artificial intelligence, information technology, at biotechnology.
Salin: Vera