|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Mayo 21, 2019, matapos ilabas ang resulta ng pambansang halalan ng Indonesia, naging sanhi ito ng kaguluhan sa ilang bahagi ng bansa, partikular na sa kabiserang Jakarta.
Sa isang news briefing na ginanap kahapon ng hapon, Mayo 22, ipinagdiinan ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na hinding hindi palalampasin ng kanyang pamahalaan ang sinumang banta sa seguridad, demokrasya, at pagkakaisa ng bansa. Aniya, kikilos ang mga pulis at tropang militar alinsunod sa batas at bibigyang-parusa ang mga nanggugulong raliyista.
Dagdag pa niya, kasalukuyang nasa kontrol ang situwasyon. Nanawagan siya sa bawat pulitiko na bigyang-pansin ang pagkakaisa ng bansa at harmoniya ng nasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |