Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

(GMT+08:00) 2019-05-24 14:42:36       CRI

Dumalaw Mayo 23, 2019 sa China Radio International ang delegasyon ng Pinoy media bilang bahagi ng China 30 seminar na hatid ng National Radio and TV Administration ng Tsina.

Director Vinci Beltran, Presidential Communications Operations Office (PCOO)

Ayon kay delegation head at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Director Vinci Beltran, "Sobrang importante nitong China 30 na program na ito dahil through this program natututunan namin, kaming mga delegates kung ano ba 'yong talagang kultura ng mga Tsino. Kasi kung hindi kami pumunta dito marami kaming mga misconception, mga maling pagkakakilala, pati sa kanilang ugali. Nabibigyan nito ng suporta yung pagtungo ni mahal na Pangulong Rodrigo Duterte dito sa China."

Arnel San Pedro, Editor ng iOrbit News

Malaking bahagi ng gumagandang relasyon ng Pilipinas at Tsina ang pagsigla rin ng people-to-people exchange. Kinilala ni Arnel San Pedro, Editor ng iOrbit News na naka-base sa Pampanga ang papel ng media seminar sa pagsusulong ng connectivities o ugnayan sa mga tao. Ani San Pedro, "This seminar provides a platform for mutual understanding and respect. It also opened our eyes in the realities in China. Napakaprogresibo pala ng bansang China."

Florenda Querubin, Senior Reporter at Editor ng Sun Star Cebu

Bahagi ng seminar ang talakayan ng mga Pinoy media kasama ang mga kinatawan mula sa media, academe at kinatawan ng pamahalang Tsino. Isa sa mga paksang kanilang napag-usapan ang pagkakaroon ng malapit na koneksyon ng mga media ng iba't ibang bansa. Sinabi ni Florenda Querubin, Senior Reporter at Editor ng Sun Star Cebu sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino, "Essential sa panahong ito ang media convergence dahil sa rapid development ng digital technology." Importante rin aniyang laging bigyan ng updates ang mga tao upang mawala ang mistrust at lalong maunawaan ang mga hakbang mga pamahalaang Pilipino sa pakikipag-ugnayan nito sa Tsina.

Rebecca Velasquez, Pulso ng Makabagong Caviteno

Isang maliit na provincial newspaper ang Pulso ng Makabagong Caviteno. Pinatatakbo ito ng publisher na si Rebecca Velasquez. Matapos mamangha sa laki ng CRI na may mahigit 60 lengwahe, hangad niyang magawa rin sa Pilipinas ang kasing laki at lawak na media service. Balak niyang pagbalik ng Cavite, ang pag-isipan ang pagbubukas ng online digital version ang kanilang dyaryo.

Sa kanilang pagdalaw sa CRI, ipinakilala ni Jade Xian, Direktor ng Filipino Service ang maraming proyekto at aktibidad na nagsusulong ng mabuting pagkakaibigan sa pagitan ng mga Tsino at Pilipino. Samantalang ipinakilala naman ni Liao Jibo, Deputy Director ng CRI English Service at Direktor ng EZFM ang new media platform ng kanilang radyo.

Dumating Mayo 15 sa Beijing ang 30 mamamahayag mula sa government at private media ng Pilipinas. Matapos ang isang linggong pananatili sa Beijing, pupunta ang grupo sa Shenzhen para sa pagpapatuloy ng kanilang media seminar. Inaasang babalik ang grupo sa Pilipinas sa katapusan ng Mayo.

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Wang Le/Jade/Shang Qiufen, Research and Training Institute, National Radio and Television Administration ng Tsina

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>