Inilunsad kamakailan sa Nanjing, lalawigang Jiangsu, sa dakong silangan ng Tsina ang Linggo ng Pagkain-butil, pambansang program para mapasulong ang food security o seguridad ng pagkain. Tampok sa pagtatanghal ang mga pinakahuling bungang panteknolohiya hinggil sa pagtatanim, pamimili, pag-iimpok, pagpoproseso, at pagbebenta ng pagkain-butil.
Sa kanyang talumpati sa pasinaya ng nasabing programa, ipinahayag ni Zhang Wufeng, Pambansang Administrasyon ng Pagkain at Estratehikong Reserba ng Tsina, ang pagpapahalaga ng bansa sa inobasyong panteknolohiya at mga may kinalamang talento para matiyak ang food security.
Salin: Jade
Pulido: Mac