Ipinahayag Mayo 23, 2019, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na malawak na pinapurihan ng daigdig ang mga pahayag kamakailan ni Ren Zhengfei, founder ng Huawei. Dahil sa kanyang pagiging bukas, paninindigan at kagandahang-loob, naipakita ng Huawei sa mundo na natatanaw ng malawak na pag-iisip ang napakalaking daigdig.
Ipinalabas kamakailan ng mga dayuhang partner ng Huawei ang paglilinaw na hindi nila itinitigil ang pagsuplay sa Huawei dahil sa mahigpit na patakaran ng Amerika. Tungkol dito, ani Lu, hinding-hindi susunod ang anumang bahay-kalakal sa makasariling pulitikal na hakbang ng ibang bansa.
Binigyan-diin ni Lu na patuloy na kumakatig ang Tsina sa pagpapalalim ng kooperasyong pandaigdig ng mga bahay-kalakal na Tsino na kinabibilangan ng Huawei. Umaasa aniya siyang patuloy na magkakaloob ang iba't ibang bansa ng makatarungan, makatuwiran, matatag at prediktableng kapaligiran ng negosyo para sa mga bahay-kalakal na Tsino upang maging angkop sa pangmatagalang interes maging sa mga naturang bansa na rin.
Salin:Lele