|
||||||||
|
||
Kahapon ng madaling araw, Mayo 28, 2019, lumisan ng Brazil papuntang Tsina ang China-Brazil Earth Resource Satellite na magkasanib na niyari ng Brazil at Tsina.
Ayon sa plano, ilulunsad ang nasabing satellite sa loob ng kasalukuyang taon. Tinatayang isasaoperasyon ito sa orbit sa loob ng darating na limang taon.
Pangunahing misyon ng nasabing satellite ang pagmonitor sa mga krimen sa rehiyong Amazon na gaya ng ilegal na pagsibak ng mga puno, at pangongolekta ng mga impormasyong tulad ng uri hinggil sa mga buhay na bagay, agrikultura, ekspansyon ng mga lunsod at bayan, pamamahala sa yamang tubig, at likas na kalamidad. Layon nitong tulungan ang sustenableng pag-unlad sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |