Sa taunang pulong ng Financial Street Forum na idinaos ngayong araw, Huwebes, ika-30 ng Mayo 2019, sa Beijing, sinabi ni Yi Gang, Gobernador ng People's Bank of China (PBoC), bangko sentral ng bansa, na natupad na ang halos lahat ng mga hakbangin ng pagbubukas ng sektor na pinansyal ng Tsina na inilabas ni Pangulong Xi Jinping noong Abril ng nagdaang taon. Ani Yi, sa pamamagitan ng pagpapalawak ng market access ng puhunang dayuhan sa credit inquiry, credit rating, payment, at mga iba pang negosyo ng sektor na pinansyal, naisakatuparan ang substansyal na breakthrough sa pagpasok ng mga kompanyang dayuhan sa pamilihang Tsino.
Ayon sa ulat ng PBoC, nitong isang taong nakalipas, ilang pangunahing halimbawa ng pagpasok ng mga dayuhang institusyong pinansyal sa pamilihang Tsino ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng Union Bank of Switzerland ng absolute shareholding sa isang kompanya ng securities sa Tsina, pagtatatag ng Allianz SE ng Alemanya ng kompanya ng seguro sa Tsina na may sariling puhunan, pag-aaproba sa pagkakaroon ng Standard & Poor's ng Amerika ng negosyo ng credit rating sa Tsina, at pag-aaproba sa pagtatatag ng American Express Company ng bank card clearing institution sa Tsina.