Kasalukuyang idinaraos ang THAIFEX 2019 mula Mayo 28 hanggang Hunyo 1 sa IMPACT Exhibition Center, Bangkok, Thailand. Bilang pinaka-malawak na perya ng pagkain sa rehiyong Asya-Pasipiko, hangad nitong itayo ng plataporma pangkalakalan ng pagkain at inumin ng Asya, maging ng daigdig. Lumahok sa THAIFEX ang 2,700 kumpanya mula sa 43 bansa mula sa Asya, Oceania, Europa at Amerika, kabilang din ang daan-daang kumpanya ng Tsina.
Inaasahang aabot sa 130,000 ang bilang ng mga bisita. Sa ekspo ng ngayong taon, sumisikat ang mga makabagong tekonolohiya ng pagkain at ang catering service. Lumahok ang halos 100 kumpanya na may kinalaman sa malikhaing produkto ng pagkain. Ipinakikita nito ang bagong kinahihiligan sa industrya ng pagkain.
Itinatag ang THAIFEX ng Koelnmesse Group, Kagawaran ng Pagsulong sa Kalakalang Pandaigdig ng Ministri ng Komersyo ng Thailand at Thai Chamber of Commerce noong 2004. Ang THAIFEX 2019 ay ika-16 na taon ng pagtatanghal. Kabilang sa mga nilalaman ng ekspo ay pagkain, inumin, alak, kagamitan ng catering, logistics, at mga tekonolohiya ng food processing, pagbalot, pagpapalamig at pag-aalaga sa kapaligiran.
Salin: Christine