|
||||||||
|
||
Angeles City—Idinaos nitong Huwebes, Mayo 30, 2019 sa Angeles University Foundation (AUF) ang final round ng Philippine Division ng Ika-18 Chinese Bridge-Chinese Proficiency Competition for Foreign College Students.
Labindalawang (12) estudyanteng Pilipino ang lumahok sa paligsahan. Nagwagi at itinanghal bilang kampyon si Rica Joy Valenzuela na mula sa Confucius Institute ng AUF. Siya ang lalahok, sa ngalan ng mga estudyanteng Pilipino, sa final round ng Chinese Bridge na idaraos sa lunsod ng Changsha, lalawigang Hunan ng Tsina sa darating na Hulyo o Agosto nitong taon.
Ipinahayag ni Tian Shanting, isa sa mga judge at Cultural Counselor ng Chinese Embassy sa Pilipinas na magaling ang performance ng mga kalahok at umaasa siyang ang wika ay magiging importanteng tulay sa pagpapasulong ng pag-uunawaan ng mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas.
Ulat/ Larawan : Sissi Wang
Pulido : Mac at Jade
Web-edit: Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |