Ang ika-5 araw ng ika-5 buwan sa Chinese lunar calendar ay Duanwu Festival sa Tsina. Ang isa sa mga tradisyon sa nasabing kapistahan ay pagkain ng Zongzi, o sumang hugis trianggulo.
Kasabay ng paglapit ng Duanwu Festival, abalang-abala ang isang bahay-kalakal ng Zongzi sa Taijiang County, Lalawigang Guizhou ng Tsina, sa paggawa ng makukulay na suman, para sa pagsalubong sa kapistahan. Mahilig sa makukulay na Zongzi na gawa sa katas ng makukulay na halaman ang mga mamamayang lokal at turista.
Salin: Vera