Idinaos kahapon, Lunes, ika-3 ng Hunyo 2019, sa Hangzhou, lunsod sa silangang Tsina, ang taunang pulong ng China Council for International Cooperation on Environment and Development. Lumahok sa pulong ang mahigit 500 eksperto mula sa iba't ibang bansa at mga organisasyong pandaigdig.
Sa ilalim ng temang "A New Era: Towards a New World of Green Prosperity," tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa berdeng pag-unlad sa iba't ibang aspekto ng kabuhayan at lipunan. Hinahangaan din nila ang mga natamong bunga ng Tsina sa usapin ng sibilisasyong ekolohikal, na gaya ng pagtupad ng mga ideya, plano, at mekanismo sa berdeng pag-unlad, paggamit ng mga inobasyong pansiyensya at panteknolohiya sa pangangasiwa sa kapaligiran, at aktibong paglahok sa pandaigdig na kooperasyon sa pangangalaga sa kapaligiran at pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad.
Salin: Liu Kai