Ayon sa ulat na nilabas noong ika-3 ng Hunyo ng Beijing World Horticultural Expo Coordination Bureau, mula noong magbukas ang International Horticultural Exposition sa Beijing noong ika-29 ng Abril, maayos ang naging pagpapatakbo nito. Hanggang sa ika-2 ng Hunyo, ang bilang ng mga turista na pumasyal sa International Horticultural Exposition ay lumampas na sa 1.8 milyon.
Ayon sa datos, ang China Pavilion ay isa sa mga pinaka-popular na destinasyon, karaniwang halos 41 libong tao ang bumibisita rito bawat araw.
Salin:Lele