|
||||||||
|
||
Inilunsad nitong Miyerkules, Hunyo 5, local time, sa Moscow, Rusya, ng China Media Group (CMG) ang serye ng video na pinamagatang Mga Klasikong Sinipi ni Xi sa wikang Ruso.
Kasabay na inilunsad ang video sa dalaw na pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Bilang isa sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Rusya, itinatampok sa serye ng video ang mga sinipi ni Xi na mga sinaunang kuwento at akda, na ibinahagi sa kanyang mga talumpati at artikulo. Nagpapakita ang mga ito ng malalim na pagkaunawa ni Xi sa tradisyonal na kulturang Tsino at kanyang kaisipan hinggil sa pamamahala sa bansa.
Nahahati sa anim na paksa ang serye ng video na kinabibilangan ng paglilingkod sa mga mamamayan, pagtatakda ng pangarap, paghuhubog ng kagandahang-loob, pagbibigay-galang at pag-aalaga sa mga magulang, at magkakasamang pag-unlad.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paglulunsad, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG na ang serye ng video ay hindi lamang nagbukas ng pinto para malaman ng mga mamamayang Ruso ang isipan ni Xi, nagsisilbi rin itong bagong paraan para ipakilala ang mga klasikong Tsino.
Si Shen Haixiong
Sinabi naman ni Oleg Dobrodeyev, Direktor-Heneral ng All-Russian State Television and Radio Broadcasting Company, na kinakitaan ang mga video ng lumalalim na pagtitiwalaan sa pagitan ng mga media at mamamayan ng dalawang bansa.
Si Oleg Dobrodeyev
Sa seremonya ng paglulunsad, lumagda rin ang China Media Group at All-Russian State Television and Radio Broadcasting Company ng Memorandum of Understanding (MOU).
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |