Moscow - Nitong Miyerkules, Hunyo 5, 2019, magkasamang lumagda ang mga lider ng Tsina at Rusya sa magkasanib na pahayag tungkol sa pagpapalakas ng kasalukuyang estratehikong katatagan sa buong mundo. Idineklara nito ang magkasamang pangangalaga ng dalawang bansa sa estratehikong katatagan ng buong mundo.
Ayon sa pahayag, buong pagkakaisang pinalalagay ng Tsina at Rusya na kinakaharap ang mahigpit na hamon ng kapaligirang panseguridad ng daigdig, kaya dapat palalimin ang pagtitiwalaan at kooperasyon ng estratehiya para mapangalagaan ang katatagan.
Anito, sinisira ng ilang bansa ang kasalukuyang sistema ng pagkontrol sa armas at pagpapalaganap ng malawakang pamuksang sandata dahil sa sariling interes, ito ay mapanganib.
Naninindigan ang Tsina at Rusya na kumatig sa multilateralismo, at pangalagaan ang pandaigdig na sistema ng pagkontrol sa armas at pagpapalaganap ng malawakang pamuksang sandata. At nanawagan sila sa pagkatig ng komunidad ng daigdig.
Salin:lele