Moscow — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Huwebes, Hunyo 6, 2019 kay Punong Ministro Dmitri Medvedev ng Rusya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagpapanatili ng pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso sa mataas na lebel ay nakakapagbigay ng mahalagang ambag para sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng buong daigdig. Aniya, sa harap ng masalimuot na situwasyong pandaigdig, ang pagpapalakas ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Rusya ay may mahalagang katuturan para mapangalagaan ang kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, at ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng buong daigdig.
Ipinagdiinan ni Xi na dapat ituloy ng dalawang panig ang pagsisikap at pasulungin ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Medvedev na lumagda ang dalawang lider sa magkasanib na pahayag na nagdeklara ng pagpasok sa bagong siglo ng relasyong Sino-Ruso. Ito aniya ay may malaking katuturan. Dapat palakasin ng Tsina at Rusya ang estratehikong pagtutulungan para magkasamang harapin ang mga hamong kinakaharap ng dalawang bansa at komunidad ng daigdig, dagdag niya.
Salin: Li Feng