Kasama ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 6 (local time), 2019, dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng paggagawad ng Honorary Doctorate Degree ng Saint-Petersburg State University.
Ginawaran ni Nikolai Kropachev, Presidente ng Saint-Petersburg State University ng Honorary Doctorate Degree Certificate si Pangulong Xi.
Noong Abril, ginawaran ng Tsinghua University ng Tsina ng katulad na Degree si Pangulong Putin.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Xi na ang magkahiwalay na paggawad ng dalawang unibersidad ng Honorary Doctorate Degree sa mga lider ng dalawang bansa, ay hindi lamang patunay ng mahigpit na pagpapalitang Sino-Ruso sa larangan ng edukasyon at kultura, kundi maging mahalagang pagpapakita ng mataas na lebel ng relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang walang humpay na mapapalawak ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan para malawakang mapalaganap ang kani-kanilang mahusay na kultura at hubogin ang mas maraming talento para sa pag-unlad ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng