Idinaos kahapon, Sabado, ika-8 ng Hunyo 2019, sa Bishkek, kabisera ng Kyrgyzstan, ang seremonya ng paglulunsad ng edisyon sa wikang Kyrgyz ng aklat na "Xi Jinping: The Governance of China."
Lumahok sa seremonya ang mahigit 300 personahe mula sa iba't ibang sirkulo ng Tsina at Kyrgyzstan. Ipinalalagay nilang ang paglathala ng aklat na ito ay makakatulong sa pagpapalalim ng mga mamamayan ng Kyrgyzstan ng pagkaunawa sa kasalukuyang kalagayan ng Tsina, at pagsasakatuparan ng dalawang bansa ng komong pag-unlad.
Salin: Liu Kai