Idinaos Hunyo 10, 2019, sa Beijing, ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang news briefing na nilahukan ng mga media sa loob at labas ng bansa. Isinalaysay ni Zhang Hanhui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na mula ika-12 hangagng ika-16 ng buwang ito, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Kyrgyzstan at Tajikistan. Lalahok din aniya si Xi sa Ika-19 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idaraos sa Bishkek, at ika-5 Summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA) na idaraos sa Dushanbe.
Binigyan-diin ni Zhang na sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang panig, tiyak na magkakaroon ng kasya-siyang bunga ang naturang biyahe ni Pangulong Xi. Aniya, tiyak na ibubunga ng pag-dalaw ni Xi ang pag-unlad sa bagong yugto ng relasyon ng Tsina at Kyrgyzstan, at relasyon ng Tsina at Tajikistan. Tiyak din aniyang idudulot nito ang bagong pag-unlad sa SCO at CICA, tungo sa pagganap ng mga ito ng mas malaking papel para sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig at a Community of Shared Future for Mankind.
Salin:Sarah