Ngayong araw, bago ang kanyang paglahok sa Ika-5 Summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA) at pagsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Tajikistan, ipinalabas ni Pangulong Xi Jinping ang signed article na may pamagat na "Working Together for a Brighter Future of China-Tajikistan Friendship" sa mga media ng Tajikistan.
Sinabi ng artikulo na ang Tsina at Tajikistan ay may pagkakaibigan sa mahabang panahon. Walang humpay din anitong nagpapalitan sa isa't isa ang mga mamamayan ng dalawang bansa. Ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa ay tulad ng matatag na Pamirs, hindi ito magbabago, kasabay ng pagbabago ng oras din ng artikulo. Dalawapu't pitong taong nakalipas nang kinikilala ng Tsina ang pagsasarili ng Tajikistan, at itinatag ang diplomatikong relasyon ng dalawang bansa. Nitong 27 taong nakalipas, sa mula't mula pa'y, nananalig at iginagalang ng dalawang bansa ang isa't isa, at naisagawa ang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Sa komunidad ng daigdig, ito ay modelo ng pangkaibigang kooprasyon ng dalawang bansa na may iba't ibang kultura, anang artikulo.
Salin:Sarah