Tinanggap Martes, Hunyo 11, 2019 ni Prayut Chan-o-cha ang kautusan ni Haring Maha Vajiralongkorn ng Thailand, na pormal na naghihirang sa kanya bilang bagong punong ministro ng bansa.
Sa kanyang talumpati pagkatapos ng seremonya ng paghirang, ipinahayag ni Chan-o-cha na ipapauna niya ang kapakanan ng estado at mga mamamayan, pakikinggan ang mga kuru-kuro ng iba't ibang panig, at pasusulungin ang pag-unlad ng iba't ibang usapin ng bansa na gaya ng kabuhayan, lipunan, diplomasya, pangangasiwa batay sa batas at iba pa. Ipinangako rin niyang bubuuin ang gabinete sa lalong madaling panahon.
Ito ang ika-2 beses nang panunungkulan ni Chan-o-cha bilang punong ministro.
Salin: Vera