|
||||||||
|
||
Ani Xi, nakahanda ang Tsina, kasama ng Iran, na palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa mga multilateral na balangkas na gaya ng United Nations at Shanghai Cooperation Organization, para ipagtanggol ang mga saligang norma ng relasyong pandaigdig at multilateralismo, at pangalagaan ang komong interes ng mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng Tsina at Iran.
Tinukoy din ni Xi, na kahit anumang pagbabago ang magaganap sa kalagayan sa rehiyon at daigdig, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Iran, para isakatuparan ang tuluy-tuloy at matatag na pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Rouhani ang kahandaan ng Iran na aktibong lumahok sa Belt and Road Initiative. Aniya, buong tinding tinututulan ng Iran ang unilateral na pag-urong ng Amerika sa JCPOA. Binigyan din niya ng positibong pagtasa ang positibong papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |