Dumating kahapon, Biyernes, ika-14 ng Hunyo 2019, sa Dushanbe, kabisera ng Tajikistan, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Dadalo rin siya sa Ika-5 Summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA) at magsasagawa rin ng dalaw-pang-estado sa Tajikistan.
Sa paliparan, sinalubong si Xi ni Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan.
Sa pag-uusap pagkaraan nito, ipinahayag ni Xi ang pasasalamat kay Rahmon sa pagsalubong sa kanya sa paliparan. Umaasa rin aniya si Xi, na sa biyaheng ito, dadalo siya sa matagumpay na summit ng CICA, at gagawin, kasama ng Pangulong Tajik, ang mabuting blueprint para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Rahmon ang mainit na pagtanggap kay Xi. Umaasa aniya siyang, magiging matagumpay ang biyaheng ito ni Xi, para isakatuparan ang mas maganda at mas mabilis na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai