Sa kanyang talumpati sa Ika-5 Summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA) na idinaos ngayong araw, Sabado, ika-15 ng Hunyo 2019, sa Dushanbe, Tajikistan, inulit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang bagong konsepto ng komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng katiwasayan para sa mga bansang Asyano.
Sinabi rin ni Xi, na dapat magsagawa ang iba't ibang panig ng diyalogo sa halip na komprontasyon, maging katuwang ng isa't isa sa halip na kaalyado, at maayos na harapin ang mga tradisyonal at di-tradisyonal na isyung pangkatiwasayan, lalung-lalo na buong tatag na bigyang-dagok ang lahat ng porma ng terorismo.