Sa kanyang talumpati sa Ika-5 Summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA) na idinaos ngayong araw, Sabado, ika-15 ng Hunyo 2019, sa Dushanbe, Tajikistan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang diwa ng paggagalangan, pantay na diyalogo at pagsasanggunian, mga norma ng relasyong pandaigdig, at mga tuntunin ng multilateral na kalakalan ay mga bagay na dapat sundin para maayos na hawakan ang mga isyu sa pagpapalagayan sa kabuhayan at kalakalan. Ang proteksyonismo o unilateralismo aniya ay hindi tamang aksyon.
Sinabi rin ni Xi, na ang naturang paninindigan ng Tsina ay naglalayong pangalagaan hindi lamang ang lehitimong karapatan sa pag-unlad ng iba't ibang bansa, kundi rin ang pagkakapantay-pantay at katarungan ng daigdig.
Salin: Liu Kai