|
||||||||
|
||
Mula Hunyo 8 hanggang Hunyo 17, ipinalabas ang sampung episode na dokumentaryong pinamagatang Pamumuhay ng mga Mamamayang Tsino ay sa Skynet Knowledge Channel ng Myanmar.
Kaugnay nito, sinabi ni U Kyi Myint, Pangalawang Ministro ng mga Suliraning Panrelihiyon at Kultura ng Myanmar na, sa totoo lang, kulang sa kaalaman ang nakararaming mamamayan ng kanyang bansa hinggil sa Tsina at nakakatulong ang serye ng dokumentaryo sa pag-alam ng mga taga-Myanmar hinggil sa Tsina. Ang pag-uunawaan ay pundasyon ng pagpapalitang pantao, at ang nasabing dokumentaryo ay naglatag ng tulay ng pag-uunawaan sa isa't isa ng mga mamamayan ng Tsina't Myanmar, dagdag pa ni Kyi Myint.
Mapapanood sa bawat episode ang kuwento hinggil sa isang karaniwang mamamayang Tsino. Kabilang sa mga bida ay pintor, magsasakang umuwi sa lupang-tinubuan at nagsimula ng sariling bahay-kalakal makaraang nagtrabaho sa lunsod, kabataang nagtatag ng sariling kompanya sa pamamagitan ng Internet, at iba pa.
Ang nasabing mga dokumentaryo ay isinagawa ng China Central Television (CCTV) at isinalin ng Myanmar Service ng China Media Group (CMG).
Salin: Jade
Pulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |