|
||||||||
|
||
Ipinalabas kamakailan ni Tu Youyou, Chinese pharmaceutical chemist,at Nobel Prize Winner, at kanyang groupo, ang kanilang pinakahuling resulta sa pananaliksik: iniharap nila ang aktuwal na kalutasan tungo sa problema ng "artemisinin resistance." Ito ang bagong ambag na ibinibigay ng mga mananaliksik na Tsino para sa komunidad ng daigdig.
Pero, sa harap ng inobasyong pansiyensiya at pangteknolohiya ng Tsina, nilikha at kinakalat ng ilang tao sa Amerika ang kasinungalingan hinggil dito.
Sa ulat noong Hunyo 13, tinukoy ng Bloomberg Businessweek na nitong ilang taong nakalipas, ginamit ng Amerika ang puwersang pampamahalaan upang limitahan ang mga mananaliksik na Tsino. Ang ulat na ito ay nagpakita na: ang Amerika ay hindi angkop sa bukas na kompetisyon.
Ngunit, hindi titigil ang Tsina sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya. Sa kasaysayan ng bagong Tsina, sa pamamagitan ng walang humpay na pagsisikap at panteknolohiyang kooperasyong pandaigdig, tumahak ang bansa sa landas ng nagsasariling inobasyon na may katangiang Tsino, at nagbigay ng kahanga-hangang ambag para sa paglutas ng mga mahirap na problema na kinakaharap ng buong sangkatauhan. Bukod dito, sa mula't mula pa'y, napapanatili ng Tsina ang bukas na diwa sa pandaigdigang kooperasyon.
Ang siyensiya at teknolohiya ay bunga ng sibilisasyon ng buong sangkatauhan, at ang bukas na pakikitungo ay nukleo ng pagpapaunlad ng siyensiya at teknolohiya. Ang kapasiyahan ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya ng iba't ibang bansa ng buong daigdig, na kinabibilangan ng Tsina, ay tiyak na magiging malaking puwersang tagpagpasulong ng pag-unlad nito. Ang Amerika na kumikilos ayon sa kanilang sariling kagustuhan ay tiyak na itatakwil ng pangunahing tunguhin ng pagbubukas ng buong daigidig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |