|
||||||||
|
||
Pyongyang--Nag-usap Hunyo 20, 2019 sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea. Sumang-ayon silang huwag kalimutan ng dalawang bansa ang sinimulang komong mithiin, at patuloy na maghawak-kamay para likhain ang magandang hinaharap ng relasyon ng Tsina at Hilagang Korea.
Tinukoy ni Xi na dumadalaw siya sa Hilagang Korea para mapahigpit ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at mapasulong ang pulitikal na paglutas sa isyu ng Korean Peninsula. Nananalig aniya siyang ang naturang pagdalaw ay tiyak na lilikha ng bagong kabanata sa pagkakaibigan ng dalawang panig. Pinapurihan din ni Xi ang pagsisikap ng Hilagang Korea sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon at pagpapasulong ng ligtas sa sandatang nuklear sa Korean Peninsula. Aniya, nitong isang taong nakalipas, lumitaw ang pag-asa sa paglutas ng isyu sa pamamagitan ng diyalogo, at ito ay tumatanggap ng pagkatig ng komunidad ng daigdig. Ani Xi, inaasahan niya ang pagpapatuloy ng talastasan ng Hilagang Korea at Amerika at pagkakaroon nito ng bunga. Binigyan-diin din ni Xi na kumakatig ang Tsina sa pulitikal na paglutas sa isyu at paglikha ng paborableng kalagayan para rito. Nakahanda aniyang magbibigay ng tulong ang Tsina para sa makatwirang pangangailangan sa seguridad at pag-unlad ng Hilagang Korea.
Isinalaysay naman ni Kim Jong Un ang paninindigan hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Korean Peninsula. Aniya, nakahanda ang Hilagang Korea na magpasensya. Umaasa rin aniya siyang magsisikap ang iba pang may kinalamang panig sa parehong tumpak na landas, at magkakasamang hahanap ng lalutasan sa angkop at makatwirang pagkabahala ng iba't ibang panig, at nang sa gayo'y, magtamo ng bunga ang diyalogo. Pinapurihan niya ang mahalagang papel ng Tsina sa isyu ng Korean Peninsula. Nakahanda aniyang ipagpatuloy kanyang bansa ang pagpapasulong ng pagpapalitan at koordinasyon sa Tsina.
Salin:Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |