Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga mangangalakal na lumahok sa Ika-7 Global CEO Council Round Table Summit sa Beijing, winika ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina na matatag at hindi magbabagong pinapalalim ng Tsina ang reporma at pinalalawak ang pagbubukas. Ito aniya ay para ibayo pang likhain ang kapaligirang pangnegosyo na may marketization, legalization at Internationalization. Ipinahayag niya ang pagwelkam sa mga bahay-kalakal na patuloy na palakihin ang pamumuhunan sa Tsina at nang sa gayo'y, makibahagi sila sa pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina.
Ipinahayag ni Li na ang pag-unlad ng Tsina ay kaunlarang may inobasyon, at ang proteksyon sa karapatan sa pagmamay-ari sa mga likhang-isip (IPR) ay pagpapasulong ng inobasyon. Aniya, pantay-pantay na pakikitunguhan ng pamahalaang Tsino ang iba't ibang uri ng bahay-kalakal, maging ito man ang lokal o dayuhan. Aniya pa, kahit dayuhang kompanya, sa sandaling mai-rehistro ito sa Tsina, magkakaroon ito ng parcheng benepisyong katulad ng mga lokal na kompanya, at kabilang dito ang pangangalaga sa IPR.