Sa kanyang talumpati sa G20 Summit na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2019, sa Osaka, Hapon, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mga bagong hakbangin ng kanyang bansa para sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.
Ang naturang mga hakbangin ay kinabibilangan ng pagpapalabas ng bagong version ng Negative List for Foreign Investment Access, pagpapalawak ng pagbubukas ng ilang industriyang gaya ng agrikultura, pagmimina, manupaktura, at serbisyo, ibayo pang pagpapababa ng pangkalahatang lebel ng taripa, pag-alis ng mga non-tariff trade barrier, pagpapairal ng Batas sa Pamumuhunang Dayuhan, pagpapawalang-bisa ng lahat ng mga limitasyon sa labas ng Negative List, at iba pa.
Salin: Liu Kai