Inilathala ngayong araw sa Qiushi, opisyal na peryodiko ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nakatuon sa misyon ng CPC na pagtatatag. Sa kanyang talumpati, diin ni Xi, ang pagsisikap para sa kaligayahan ng mga mamamayang Tsino at muling pag-ahon ng Nasyong Tsino ay orihinal na aspirasyon at misyon ng CPC. Nagsisilbi rin itong pundamental na lakas-pantulak ng magiting na pagsubok at paglaban ng hene-henerasyong mga miyembro ng CPC, dagdag pa niya.
Nanunungkulan din si Xi bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC. Ginawa niya ang nasabing talumpati nitong Mayo 31 bilang paglunsad ng kampanya para sa lahat ng mga miyembro ng CPC na may temang "Pagpapanatiling Matapat sa Misyon ng Pagtatatag." Ang kasalukuyang taon ay ika-98 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC.
Salin: Jade
Pulido: Rhio