Sinabi Lunes, Hulyo 1, 2019 ni Sergei Ryabkov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya, na sa kanilang pagtatagpo sa Osaka sa panahon ng katatapos na G20 Summit, nagkaisa ng palagay ang mga lider ng Rusya at Amerika tungkol sa isyu ng estratehikong katatagan. Aniya, ang nasabing pagtatagpo ay nagbibigay ng katuwiran upang optimisitkong tingnan ang kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanyang talumpati sa Valdai International Discussion Club, think tank ng Rusya, sinabi ni Ryabkov na may intensyon ang panig Ruso na pasulungin ang pag-unlad ng relasyong Ruso-Amerikano sa mga konkretong direksyon. Aniya, target ng panig Ruso na panumbalikin sa malapit na hinaharap ang diyalogo sa antas ng mga dalubhasa.
Salin: Vera