|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng International Atomic Energy Agency (IAEA), ang stockpile ng enriched uranium ng Iran ay lumampas na sa limitasyong itinakda ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) o Iran Nuclear Deal. Kaugnay nito, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kalungkutan. Diin din ni Geng, ang labis na presyur ng Amerika ang siyang dahilan ng kasalukuyang tensyon hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Sa regular na preskon nitong Martes, Hunyo 2, sinabi ni Geng na sa mula't mula pa, nagsisikap ang mga may kinalamang panig JCPOA upang mapangalagaan at mapanatili ang kasunduan. Sa pulong ng Magkasanib na Komisyon noong Hunyo 28, inulit ng mga kalahok ang pangako ng ganap at epektibong pagpapatupad sa kasunduan. Inulit din ng Iran ang kahandaan na manatili sa loob ng kasunduan, at ipinagdiinang puwedeng mabaligtad ang lahat ng mga hakbangin nito. Hiniling din ni Geng sa lahat ng mga may kinalamang panig na magkakasamang pangalagaan ang JCPOA para maiwasan ang paglala ng situwasyon.
Makaraang umurong ang Amerika sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) o Iran Nuklear Deal noong 2018, buong pagkakaisang ipinangako ng Tsina, Pransya, Rusya, Britanya, Rusya, Alemanya at Unyong Europeo, ang pananangan sa nasabing kasunduan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |