Ang ikalabintatlong pulong ng paglikha, pagsusuri at publisidad ng mga dokumentaryo, na isinagawa ng Komiteng pandokumentaryo ng China Radio, Film and Television Social Organization Federation ay ginanap sa Chongqing noong Hulyo 6. Kalahok sa kumpetisyon ang 1119 na produkto mula sa CMG, Xinying Group, mga provincial TV station, People's Daily, Xinhuanet at iba pang mga pangunahing website. Ang serye ng micro video na "Beijing at Ako" na ginawa ng CMG ay nanalo ng ikatlong premyo sa kategoryang panlipunan.
Ang limang-episode na serye ay ginawa batay sa nakita at narinig ng mga kabataan mula sa Russia, Poland, Thailand, Nigeria, at Indya, upang ipahayag ang tradisyonal na kultura at pagbabago ng Beijing. Ang "Beijing at Ako" ay nagpapakita ng isang tatlong-dimensional at matingkad na imahe ng Beijing sa pamamagitan ng martial arts, pagkain,eskinita, tradisyonal na gamot na Tsino,TCM at pagpapatatag ng negosyo.