Binati ni Pangulong Xi Jinping si Charles Michel nitong Hulyo 7 sa kanyang pagkakahalal bilang bagong pangulo ng European Council.
Sa kanyang mensaheng pambati, sinabi ni Xi na ang kasalukuyang pag-unlad ng relasyong Tsino-EU ay mabuti. Ang dalawang panig ay may malapit na komunikasyon sa lahat ng antas. Ang mga resulta ng pragmatikong na kooperasyon ay mabunga, at maganda ang pagpapalitan ng mga tao. Ang koordinasyon at kooperasyon sa global affairs ay mabunga. Ang pangmatagalang matatag na pag-unlad ng relasyong Tsino-EU ay hindi lamang mabuti sa pangkalahatang interes ng magkabilang panig, kundi pati na rin sa kasaganaan at kapayapaan ng buong daigdig. Sinusuportahan ng Tsina ang Europa sa pagganap nito ng mas mahalagang papel sa global affairs. Sinabi ni Xi na pinahahalagahan niya ang pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at EU at nais na patuloy na makipagtulungan kay Pangulong Michel upang higit na umunlad ang patnership ng Tsina at ng EU sa kapayapaan, paglago, reporma, at sibilisasyon, upang makinabang ang mga mamamayang Tsino at Europeo at gumawa ng higit na kontribusyon sa pag-unlad at katatagan ng mundo.
Sa araw ring iyon nagpadala, si Premier Li Keqiang ay nagpadala rin ng mensahe ng pagbati kay Michel. Sinabi ni Li na handa ang Tsina kasama ang panig Europe na gamitin ang mga mahalagang pagkakataon para sa kasalukuyang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina at EU at itulak ang komprehensibong estratehikong pagtutulungan ng Tsina-EU sa isang bagong antas.
Salin:Lele